Filipino

29 July 2009

BAYANI NG WIKA 2009

Gagawaran ng Wika sa Kultura at Agham, Inc., (WIKA) ang limang tao na maituturing na Bayani ng Wika dahil sa kanilang katangi-tanging nagawa sa nakaraang taon (2008).

Heto ang mga gagawaran:

1. GURO SA FILIPINO – isang guro sa alinmang level na nagtuturo ng agham, matematika, enhenyeriya, o iba pang sabjek na hindi karaniwang tinuturo sa wikang Filipino. Kailangang maipakita ng nominee sa gawad na ito na siya ay magaling na guro (ang ebidensya ay ang ebalwasyon na ginawa ng kanyang estudyante nitong nakaraang taon).
2. GURO NG FILIPINO – isang guro sa alinmang level na nagtuturo ng sabjek na Filipino, na may ambag na katangi-tanging paraan ng pagtuturo ng wika. Kailangang maipakita ng nominee sa gawad na ito na siya ay magaling na guro (ang ebidensya ay ang ebalwasyon na ginawa ng kanyang estudyante nitong nakaraang taon).
3. MANGANGALAKAL – isang kapitalista, empleyado, o anupamang posisyon o level sa isang kompanya, korporasyon man o sariling kompanya, na katangi-tangi ang gamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na komunikasyon at sa opisyal na komunikasyon.
4. BLOGGER – isang may blog na nakasulat sa Filipino. Kailangang malinaw na ang blog ay binabago kahit na minsan isang linggo.
5. WEBSAYT – isang may-ari ng websayt na katangi-tangi ang gamit ng wikang Filipino.

Ibibigay ang gawad sa ika-20 ng Agosto, Buwan ng Wika, 2009.

Kung mayroon kayong maimumungkahing bayani ng wika, mangyari po lamang na iemail ang lahat ng dokumento sa amigolibro@ yahoo.com bago ika-31 ng Hulyo, 2009.

10 July 2009

Nasa Malaya na ako!

Sinipi ni Lito Banayo sa kanyang kolum sa peryodikong Malaya ang isang sinulat ko sa blog na ito. Salamat, Lito! Dapat ba akong matakot na mas marami na ang makababasa ng aking sinulat tungkol sa masamang balak ni Gloria Arroyo? Sana'y mabasa ito mismo ni Arroyo, nang hindi na niya ituloy ang sigurado akong gustung-gusto na niyang ituloy.

12 June 2009

Mula kay Cory Aquino


CORAZON C. AQUINO
Anti-CONASS Rally
Ayala Avenue, Makati
June 10,2009


Minamahal kong mga kababayan,

Ikinalulungkot ko na hindi ko kayo makakasama ngayon, ngunit kahit na mahina ang aking katawan, matatag pa rin ang aking paninindigan na tutulan ang katiwalian.

Over the years, I have learned to endure pain and sadness- first, when Ninoy was separated from us by the hand of a dictator; then, when he was taken from us by the hand of an assassin; and now that I have placed myself at the hands of a merciful God.

But perhaps there is nothing that causes me greater pain than to see our people betrayed again and again by those they have elected to lead and serve them. To those of us who had fought long and hard to restore our democracy, the pain deepens at the thought that all our gains have so quickly been eroded.

Nang mapalayas natin ang diktador, hindi ba’t ipinangako nating hindi na tayo papayag na mawala muli ang ating kalayaan? Subalit, narito muli tayo, sa gitna ng walang-hiyang pang-aabuso ng mga makapangyarihang nagnanais na sirain ang mga pinakapayak sa ating mga batas.

Hindi ito ang pamumunong nararapat para sa atin. Hindi ito ang lipunang nais kong ipamana sa mga susunod na henerasyon, kaya sa ngalan nila at ng aking sarili bilang mga mamamayang Pilipino, tumututol ako sa nais ng mga tiwaling miyembro ng kamara na palitan ang ating Saligang-Batas sa pamamagitan ng isang Constituent Assembly. At nananawagan ako sa inyo at sa lahat ng mga Pilipino na magpahayag ng ating pagprotesta rito.

Nasa inyo po ang tunay na kapangyarihan sa ating demokrasya. Huwag n’yo pong payagang manumbalik ang mga pamamaraan ng mga diktador. Tutulan po natin ang Con-Ass! At ipagdasal po natin ang ating Inang Bayan.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Maraming salamat po.

11 June 2009

Martial Law na naman?

Noong 1970, isa ako sa unang-unang nagsabi (sa aking dulang Tao) na magkakaroon ng martial law sa Filipinas.

Noong 2000, sa pagkakaalam ko, ako ang unang-unang naglagay sa kolum sa peryodiko ng "Erap, Resign!"

Noong 2006, sinulat ko na sa kolum ko na iniisip na ni Gloria Arroyo (hindi ko gagamitin ang apelyido ng mabuting ama niyang si Macapagal, dahil sinira niya ang pangalan nito) na magdeklara ng martial law.

Ngayon ay sigurado na ako. Kahit na ano pa ang gagawing pangalan sa gagawin ni Gloria Arroyo, martial law pa rin ang mangyayari.

Bakit? Dahil kapit na siya sa patalim. Kahit sinong mahalal na bagong pangulo ay siguradong ibibilanggo siya. Patatawarin din naman siya pagkatapos ng mahabang panahon (tulad ng pagpapatawad niya kay Erap), pero mabibilanggo siya. Ayaw niya iyon (sino ba naman ang may gustong mabilanggo?), kaya ngayon pa man, naglalakbay na siya kung saan-saan para siguruhing may pera siya, para maghanap ng maaari niyang tirhan kung sakaling makaeskapo siya bago maupo ang bagong pangulo, at para maghanap ng kakampi pagdeklara niya ng martial law.

Tandaan ninyo, sinabi ko ito bago sabihin ng iba.

23 May 2009

Ang aking mga blog

Simply put, blogging is addictive. I have five blogs, two of which are fast asleep, two barely breathing, and one awake and much too active.

The terribly active blog, which keeps me busy for a couple of hours a day, appeals only to writers and critics. Named LOL Literatures in Other Languages, the blog focuses on multilingual or mixed-language literary texts. I am trying to invent a literary theory that, until I think of a more catchy name, is called Multilingual Literary Criticism (MLC).

I have, so far, gotten the interest of polyglots that write texts not in their mother tongue (such as Cuban-Americans, expatriate Europeans, and Filipinos) or critics that are appalled at the lack of interest among literary scholars in the tradition of macaronic verse.

Although the most pressing need for MLC is for those reading mixed-language texts, which have become fashionable lately, I am arguing that even apparently monolingual texts are actually mixed-language. I took my cue from two writers who gave the same insight into their own works, but without knowing that the other had said it, too.

N.V.M. Gonzalez, in a lecture that I attended in California, declared to his American audience, “I write in Tagalog, using English words.” Bienvenido N. Santos, talking to me in Manila, said, “I write in Capampangan, using English words.” The two writers made an impression on me that has refused to go away. I now think that Philippine writers in English write in Tagalog, Ilocano, Cebuano, or whatever vernacular is their mother tongue, using English words.

By suggesting that Cuban-American writers write in Spanish, using English words, I have, so far, gained the interest of many Cuban-American writers, who agree that they “think in Spanish but write in English.” My European readers (bloggers call them “followers”) are less convinced; many of them do not know in which language they think, because they grew up with more than one mother tongue.

Sometimes wide awake but often on its siesta is my second blog, Critic-at-Large, in which I put all sorts of stuff – sometimes my old columns, sometimes my speeches, sometimes position papers by the various groups I belong to.

In a blog, followers often engage in heated discussions related to a blog entry. One comment I made on Nikki Coseteng’s Diliman Preparatory School continues to generate widely-divergent opinions on the school’s experiments in basic education. The comments sometimes border on the libelous, so I often exercise my right as moderator not to upload extreme views. Despite my censorship, there are still more than 140 comments on that particular blog entry.

My other blogs are the barely breathing Filipino (this one), the sleeping Philippine Fulbrighters, and the fast asleep Manila Critics Circle. The Fulbright blog will soon wake up, because I will upload the transcribed First Fulbright Seminar, which was on corruption. The MCC blog will also get up soon, because I will upload, as soon as they are available, the titles of the shortlisted books for the 2008 awards.

(Published in The Philippine Star, 14 May 2009)